Wow.. ngayon lang ulit ako mag uupdate ng journal. Well, sobrang naging busy naman kasi sa napakalayong work. tsk tsk..
MALUNGKOT:
sa loob ng mahigit isang buwan, nastress ako sa byahe galing bahay hanggang QC.. seryoso.. stressful ang biyahe kesa sa trabaho.. ikaw ba naman bumiyahe ng 2 oras papunta ng trabaho at 2 oras pauwi(na minsan inaabot ng higit pa depende sa trapiko).. saklap..
pero kung trabaho paguusapan.. ayus lang naman gumawa ng mga plugs para sa isang cable channel.. madali lang sana ang gawain, at hawak ko kahit papaano ang oras ko.. yun nga lang, hassle talaga sa biyahe.. anyway.. ayun.. after a month of work(at pagkunsulta sa mga magulang at kaibigan) I finally came to a decision. I am resigning from work after a month and a half.. daming gumulo sa isip ko.. isa na dun ang hirap ng paghahanap ulit ng trabaho sa panahon ngayon.. pero ayun, salamat sa payo at suporta galing sa aking mga magulang at mga kaibigan lalu na sa aking erpats(na sa totoo lang ay hindi ko akalaing gagabay sa akin ng buong buo maging anu man ang desisyon ko)..
Oo iba ang feeling na pagkagraduate na pagkagraduate eh trabaho na mismo ung lumapit sakin at hindi na naghanap pa.. pero ang akin lang kasi, sayang naman kasi ang inaral at minahal kong "field". gustuhin ko mang gamitin iyon sa trabaho eh madaming bagay ang pumipigil sa akin sa paggawa nito. ang isa pa eh, mas maganda na kasi yung nagttrabaho ako na masaya ako sa ginawa ko kesa yung magpapanggap lang. db? maliban nalang kung gagawin ko lang itong sideline at malapit lang sa bahay.. oh well, part of life.. hehe.. pero ok na din na tinanggap ko tong work, at least may experience na..
MASAYA:
Magbabakasyon nako sa wakas! hahaha! masaya dahil uuwi ang aking mga pinsan na matagal tagal ko na ding hindi nakikita.. yeah.. todo todong bakasyon to ngaung buwan.. wee!! excited nako..
isa pa.. libre nako ulit.. makakagawa nako ng mga gs2 kong gawin.. hehehe.. ang saya! hehe.. sana makapag update nako ulit ng works.. XD










